IPATUTUPAD na rin ang ‘no talking policy’ sa Light Rail Transit (LRT) 2.
Ito ay upang mapigilan ang pagkalat at posibleng hawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pagitan ng mga pasahero.
Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, bawal nang mag-usap ang mga pasahero at sumagot ng tawag sa kani-kanilang mga mobile cellphone habang nasa loob ng tren.
Sinabi ni Cabrera na ang naturang kautusan ay bilang pag-iingat lamang sa COVID-19 at posibleng magpatupad pa sila ng mas istriktong polisiya sa oras na dumami ang bilang ng lumalabag sa naturang kautusan. DWIZ882
Comments are closed.