SA WAKAS ay natugunan din ang karaniwang karanasan ng mga pasaherong extra large ang sukat o ang tinatawang na chabelina.
Marami kasi sa mga pasaherong pumapara na kapag natanaw ng driver na may katabaan, hindi hinihintuan kahit mayroon pang espasyo.
Habang sa pilahan, may mga biro at tampulan sa matatabang pasahero.
Na ang iba ay pinagkikibit-balikat na lamang.
Sadyang matiisin kasi ang Pinoy na sa halip makipagtalo ay hindi na lang kumikibo.
Ngunit kamakailan, isang pasahero ang labis na nasaktan at ginamit ang kanyang karapatan upang ipaalam na mali ang body frame shaming.
Salamat at tumugon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at gumawa ng hakbang para kausaupn ang tsuper at operator ng jeepney na nagpababa sa isang pasahero dahil sa pangangatawan nito.
Sa show cause order na inilabas ng LTFRB, pinagpapaliwanag ang tsuper ng jeep.
Sa reklamo ng babae sa LTFRB noong June 10, puwersahan siyang pinababa ng tsuper ng jeep at misis nito dahil mataba raw siya at baka ma-flat ang kanilang ipinapasadang jeep.
Kaya tama rin ito, panahon na upang malaman ng lahat na mali ang pagpapahiya dahil sa anyo o itsura dahil ito ay isang uri ng diskriminasyon.