NO VACCINE, NO ENTRY TINANGGAL NA

MASBATE CITY-TINANGGAL na ang kontrobersyal na “No Vaccine,No Entry” policy sa lalawigan matapos magpalabas ng kautusan si Masbate Governor Antonio Kho kaugnay nito kamakailan.

Batay sa Executive Order# 37 na inisyu ng Kapitolyo nitong Oktubre 5 tanging koordinasyon sa lokal na pamahalaan ng mga uuwing indibiduwal sa pamamagitan ng aprubadong ‘S-PASS’ o Safe,Swift,and Smart Passage na lang ang kailangang iprisinta sa port of entry sa ilang lugar sa lalawigan upang makapasok ang sinuman dito.

“Upon arrival at the designated port of entry or the coordinated landing area,every individual who is allowed to enter the province shall undergo medical health screening to be conducted by said PDRRMO AND/OR the LGU having jurisdiction over the port or landing area.Moreover.he shall likewise be subjected to Rapid Antigen Test if he is not fully vaccinated at least fifteen days before the said entry and he is above twelve years of age.If he is found to be symptomatic or RAT positive,he shall be endorsed to his LGU of destination for compliance with proper DOH protocol”ayon sa kautusang ito.

Naunang nang binatikos ng ang Kapitolyo matapos ipalabas nito ang Executive Order#26, may dalawang buwan na ang nakakaraan kung saan ipinagbawal sa sinumang hindi bakunado ng COVID-19 vaccine ang pumasok at bumiyahe patungong Masbate.

Bagaman sinabi ni Kho na layunin nitong protektahan ang nakararaming residente laban sa pagkalat ng nakamamatay na virus sa inisyung “No Vaccine No Entry” na kautusan nitong Agosto 18 kung saan may pinakamataas na kaso ng COVID-19 ang lalawigan sa Kabikulan subalit idineklarang walang batayang legal ang naturang polisiya ng mismong National Chairperson ng IATF na si DOH Secretary Francisco Duque 111 nang ipaabot ang reklamo ng mga Masbateno ni 1st district Cong.Narciso Bravo Jr.

Samantala,naniniwala naman ang ilang tagarito na napapanahon ang pagtanggal ng kautusang ito bunsod sa ipinalabas ng IATF na risk-level classifications sa mga lalawigan nitong Oktubre 1 kung saan ibinaba sa alert level 2 na lang ang Masbate na patunay na bahagyang bumaba na ang kaso ng co­vid-19 sa lalawigan. NORMAN LAURIO

115 thoughts on “NO VACCINE, NO ENTRY TINANGGAL NA”

  1. 398642 340221Im not sure why but this weblog is loading extremely slow for me. Is anyone else having this issue or is it a dilemma on my end? Ill check back later and see if the problem still exists. 291237

  2. 307268 561916In the event you are interested in picture a alter in distinct llife, starting up generally the Los angeles Surgical procedures fat reduction method is a large movement so that you can accomplishing which usually notion. shed belly fat 598370

Comments are closed.