‘NO VACCINE, NO MGCQ’ POLICY APRUB SA MAYNILA

NAGPAHAYAG na ng pagtalima ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa nais ipatupad na sistema ni Pangulong Rodrigo Duterte na “no vaccine roll-out , no MGCQ “ policy.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, susunod sila sa pagnanais ng Pangulo na matiyak muna ang kaligtasan ng lahat bago magpatupad ng mas maluwag na quarantine protocol sa lungsod.

Aniya, kapag dumating na ang bakuna sa mga susunod na araw o linggo at nasimulan na ang vaccination program ay maaari nang magbukas ang mga negosyo at luluwagan ang iba pang komersiyo.

Sinabi pa ng alkalde, kailangan gumawa ng agresibong polisiya, programa at aksiyon para muling buhayin ang ekonomiya at muling magkaroon ng komersiyo para sa mas maraming trabaho lalo na sa mga apektado ng pandemya.

Binigyang diin ni Moreno, ang agresibong pagbubukas ng ekonomiya ay may kaakibat na agresibong pagbabantay na kung saan ang dapat na maging polisiya ngayon ay “Buhay at Kabuhayan.”

Kaya’t pabor ang alkalde na kapag may bakuna na, saka na lamang maaring ipatupad ang MGCQ.

“We are always ready. Hindi lang natin syempre ma-quantify yung epekto at ayaw rin naman natin na maging bulagsa o pabaya as far as the city of manila is concern since October hanggang ngayon nasa 300 level margin ang impkesyon sa Maynila”, giit ni Moreno. PAUL ROLDAN

Comments are closed.