‘NO VAX, NO WORK POLICY’ IKINASA SA S. COTABATO

PUSPUSAN na ang ginagawang hakbang ng isang Lokal na Pamahalaan sa South Cotabato upang makamit ang herd immunity sa kanilang lugar at maengganyong magpabakuna ang kanilang kababayan.

Kasunod ito ng babala ni Surallah Mayor Antonio Bendita sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan na papaalisin puwesto kapag tumanggi o hindi magpapabakuna ang mga ito kontra COVID-19.

Ayon kay Bendita, magpapatupad sila ng “No vaccine, no work” policy matapos napag-alaman sa pagpupulong sa Inter-Agency Task Force (IATF) na karamihan umano sa mga hindi pa nabakunahan ay mga mismong public officials.

Kaya gumawa ito ng desisyon na kailangang magpabakuna ang mga empleyado hanggang bukas, Agosto 6, at kapag napatunayang tumangging magpabakuna ay maaaring makasuhan ng criminal negligence at matanggal pa sa pwesto kapag hindi justifiable ang dahilan.

Ang posibleng pagsasampa ng kaso ay resulta ng pangamba na posibleng makahawa pa ang mga hindi pa nakapagbakuna o tumangging magpabakuna.

Dagdag pa ni Bendita na bilang isang lider at role model ng kaniyang bayan, kailangan nitong maghigpit sa binitiwang desisyon.

3 thoughts on “‘NO VAX, NO WORK POLICY’ IKINASA SA S. COTABATO”

Comments are closed.