NO VIP TREATMENT KAY ‘BIKOY’ – PNP

Bernard Banac

CAMP CRAME – NANINDIGAN ang Philippine National Police (PNP) na walang VIP (very important person) treatment sa sumukong si Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy,” matapos na hayaan itong magpa-interview sa media noong Huwebes at isugod sa ospital naman bunsod ng pagtaas ng pressure ng dugo.

Paliwanag ni PNP Spokesman, PLt. Bernard Banac, sumuko sa kanila si Bikoy kaya dapat nilang proteksiyunan ito.

Kaugnay naman sa pagpayag ni PNP Chief, General Oscar Albayalde sa press conference, sinabi nitong lahat naman ay may karapatang sabihin ang nasa loob.

Naninindigan din ang PNP na apolitical at wala silang kinikilingan.

Samantala, inamin ni Albayalde na isinugod sa PNP General Hospital si Advincula makaraang tumaas ang blood pressure nito na umabot sa 130/90.

Magugunitang ikinulong si “Bikoy” sa detention facility ng pulisya mula noong Huwebes makaraang sumuko ito dahil sa mga kinakaharap na usapin.

Ilan sa mga kaso nito ay estafa, habang isang negosyante ang nagpupursige ng reklamong cyber libel dahil sa mga lumabas na video na pinamagatang “Ang Totoong Narco-list.” EUNICE C.

Comments are closed.