MUNTINLUPA CITY – Ipinahayag ni Bureau of Correction (Bucor) Director Ronald dela Rosa na walang makukuhang special treatment si convicted Maj. Gen. Jovito Palparan na nahatulan ng reclusion perpetua o pagkakakulong na hindi bababa sa 30 taon ng Malolos Regional Trial Court noong Lunes.
Matapos na ipag-utos ng Malolos RTC Branch 15 ang agarang paglipat kay Palparan sa National Bilibid Prison (NBP) mula sa dating piitan nito sa Army Custodial Center sa Fort Bonifacio, Taguig City ay kaagad na dinala ang heneral sa Reception and Diagnostic Center.
Ayon kay dela Rosa, si Palparan ay mananatili muna rito ng ilang araw upang isailalim ang heneral sa quarantine at medical examination bago ito mailipat sa maximum security compound.
Iginiit pa rin ni dela Rosa na walang problema sa pagiging heneral ni Palparan dahil may heneral ding nakapiit sa Bilibid, tulad ni Major General Carlos Garcia, na nahatulan din ng korte. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.