NO VL NG BI-NAIA EMPLOYEES PINALAWIG

Immigration

PINALAWIG ng Bureau of Immigration (BI) ang no vacation leave ng kanilang mga personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hanggang sa katapusan ng buwan na ito upang ma-maximize ang kanilang mga tauhan.

Ayon kay Atty. Carlos Capulong, BI port operations division (POD) ang direktibang ito ay nagsimula noong Disyembre 16, 2021 o  Christmas holiday break hanggang Enero 15 sana, subalit pinalawig ito  hanggang sa katapusan ng buwan upang hindi maparalisa ang kanilang operasyon habang tumataas ang kaso ng Omicron variant sa buong kapuluan.

“No application for leave during this period will be entertained or approved and all filed leaves are hereby cancelled to ensure that we have enough personnel to service the traveling public,” dagdag ni Capulong.

Napaulat na umabot noong Lunes sa 138 BI-POD personnel ang nasuring positive sa  virus, at 129 employees ang nananatili sa mga quarantine facility, habang hinihintay ang kanilang swab tests results.

Ang 99 iba pang personnel na nag- negative ay nakabalik na sa kanilang  tanggapan.  F MORALLOS