NOCHE BUENA, HANDOG NG SECURITY PERSONNEL NG SM CITY LUCENA

SINIGURADO  ng security personnel ng SM City Lucena ang noche buena ng 15 mahihirap na pamilya sa kanilang taunang gift-giving activity, ginanap sa Atrium area ng mall noong bisperas ng Pasko.

Nagsimula noong 2005, ang simpleng aktibidad ay nagsisilbing ‘payback’ ng Community Relations Service (CRS) ng SM City Lucena sa komunidad na walang sawang tumatangkilik sa naturang mall.

Ang mapapalad na pamilya ay pinili mismo ng mga security personnel upang maipadama ang malasakit ng departamento na nangangalaga sa kaligtasan sa loob at labas ng mall

Nagkaroon ng mga palaro para sa mga bata at nagpakitang gilas din sa pagkanta at pagsayaw ang ilang lady guards at security guards bilang intermission numbers

Pinangunahan nina SM City Lucena CRS Manager Victor Glorioso at Regional CRS Manager Aldrin Buenaventura ang distribusyon ng noche buena package kaagapay ang mga security guards.

Noong mga nakaraang taon, ang mga child resident ng DSWD Reception and Action Center ang naging benepisyaryo ng gift-giving activity na ito, gayundin ang ilang mahihirap na pamilya sa paligid ng mall.