INUTOS ng pamahalaang lokal ng Maynila ang pamimigay ng maagang ‘Noche Buena’ packages para sa may 700,000 pamilyang naninirahan sa kabisera ng bansa.
Ang Christmas food boxes ay inaasahang makakarating sa pinaka-depressed na bahagi ng lungsod upang matiyak na ang mga pamilya rito ay mayroong pagsasaluhan sa Bisperas ng Kapaskuhan at sa mismong araw ng Pasko.
Simulan na ang pamimigay ng Christmas food packages sa District 1 at inaasahan na magpapatuloy ito sa mga susunod na araw hanggang sa mabigyan na ang lahat ng pamilya sa anim na distrito ng Maynila.
Ang bawat kahon ay naglalaman ng food items na karaniwan nang inihahanda sa ‘Noche Buena’ o sa Bisperas ng Pasko kapag nagsasama-sama na ang buong pamilya.
Ang gift-giving activity ay munting paraan ng lokal na pamahalaan na kalingain ang mga residenteng walang kakayahan na makabili ng kanilang Noche Buena sa Kapaskuhan.
Sa kasalukuyan, may 134 barangay na mula Districts 1 at 2 ang tumanggap na ng kanilang Christmas boxes na kung saan ang Maynila ay binubuo ng 896 barangay. VERLIN RUIZ