NOEL SA 2019  TUTOL ANG SENADO

Senadora Grace Poe

TUTOL si Senadora Grace Poe sa planong  pagkansela  sa 2019 midterm elections at kumpiyansang hindi papayagan ng Senado na mangyari ito.

Sinabi ni Poe na anumang hakbang para mada­liin ang binabalak na fe­deral ng pamahalaan ay hindi tatanggapin ng publiko.

“The Constitution specifically states when we are going to have the elections and 2019 is certainly an election year. You can probably amend the Constitution but even if you do, you need the Senate vote,” ani Poe sa gitna ng matinding pagtutulak ng administras­yon sa federalismo.

Reaksiyon ito ng senadora makaraang palutangin ni House Speaker Panta­leon Alvarez ang posibilidad na iisantabi ang eleksiyon sa 2019 para bigyang daan ang pagbabago ng sistema ng pamahalaan tungo sa federalismo.

Tinukoy nito, anumang pagkilos  ng Kamara ay ma­ngangailangan pa rin ng pagsang-ayon mula sa Senado.

“I don’t think so [Senate accepting] and the public should not accept this… Pero hindi nila talaga puwedeng gawing no election,”  anang senadora.

Binigyang diin pa nito, ang Kongreso ay bicameral kung kaya’t hindi maaa­ring maipasa ang isang panukalang batas sa Kamara lamang kung hindi dadaan sa Senado.  VICKY CERVALES

Comments are closed.