NOLCOM PINURI SA KAMPANYA VS CTG

PINAPURIHAN ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Northern Luzon Command partikular ang mga kasapi ng Philippine Army 5th Infantry “Star” Division sa kanilang matagumpay na kampanya laban sa Communist Terrorist Group (CTG) sa hilagang Luzon.

“With the active participation of the Star Division in our whole of nation approach, the people of Ilocos, Cagayan Valley, and Cordillera Administrative Region felt significant economic progress, as well as peace and security in their communities,” pahayag ni AFP chief of staff General Andres Centino.

Naganap ito nang pangunahan ni AFP Chief of Staff , Gen Centino ang selebrasyon ng 41st founding anniversary ng 5th Infantry Division sa Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela kung saan sinalubong ito nina Major General Laurence Mina, Commander ng 5ID at Lieutenant General Ernesto Torres Jr, Commander ng Northern Luzon Command.

Ayon kay Centino kinikilala ang AFP top leadership ang mga naitalang achievements ng “Storm Troopers”, partikular ang paggamit ng mga game-changer assets laban sa CTGs sa Cagayan.

Ang 5ID’s ay nagsagawa ng focused military operations at epektibong koordinasyon sa ibang law enforcement agencies na nag-result ng Malaki laban sa mga katunggali ng estado.

Nanguna ang 5th ID sa pagpapalaya sa 117 areas mula sa impluwensiya ng communist terrorists; pagwasak sa apat na guerrilla fronts; at pagneyutralisa sa 950 personalities, 18 rito ay mga high-value individuals.

Responsable rin ang nasabing Division sa withdrawal of support ng 488 na mga dating communist sympathizers, recovery ng 204 firearms, at re-orientation ng limang former CTG-supportive organizations.

“The achievements of Star Troopers were possible given the avid support of our stakeholders who share our common goal of attaining genuine peace and inclusive progress,” pahayag pa ni General Andres Centino. VERLIN RUIZ