NOMINASYON BILANG VP, TINANGGAP NI DUTERTE

duterte

TINANGGAP ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang pag-endorso  ng  Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na tumakbo bilang bise presidente para  sa 2022 elections.

Sa isang pahayag nitong Martes,  sinabi ng PDP-Laban  na tinanggap ng Pangulo ang  nominasyon makaraan ang paghimok ng  PDP-Laban council para sa transisyon ng gobyerno na tiyak na magpapatuloy sa programa ng administrasyon.

Ayon sa partido,  pumayag si Duterte na tugunan ang panawagan ng mamamayan  at tinanggap ang pag-endorso  ng PDP-Laban para sa kanyang pagtakbo  bilang bise presidente.

Makasisiguro rin ani­ya na magpapatuloy ang  COVID-19 vaccination program sa   critical stage ng pandemya.

Samantala, hindi naman kinumpirma ng  Malacañang kung tinanggap na nga ng Pa­ngulo ang pag-endorso sa kanya ng PDP-Laban, gayom pa man, kinumpirma ni

Presidential spokesperson Harry Roque na nagkita sina Pangulong Duterte at PDP-Laban president and Energy Secretary Alfonso Cusi kasama ang kanilang mga miyembro. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *