MATAPOS ang matagumpay na inaugural launching noong nakaraang taon, inilunsad ng Philippine Sports Commission (PSC) ang 2022 Gintong Gawad, isang nationwide search sa walong natatanging babaeng sports leaders sa bansa.
Ang mapalad na walong women sports leaders na pipiliin ng panel of judges mula sa iba’t ibang sektor at academe ay gagawaran ng handcrafted trophy at cash ni Oversight Women in Sports chairperson PSC Commissioner Dr. Celia Kiram.
Ang deadline ng pagsusumite ng nominasyon ay sa April 30, halos dalawang linggo bago ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ang walong kategorya ay Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan; Babaeng Atleta Modelo ng Kabataan (PWD); Babaeng Tagasanay ng Isport; Ina ng Isport; Lider ng Isport sa Komunidad; Kaagapay ng Isport sa Komunidad (sponsors/benefactors); Natatangi at Makabagong Produktong Pang- Isport; at Proyektong Isport Pangkababaihan.
Ang nominee ay kailangang 21 years old and below as of December 31, 2022 at walang masamang at records sa school at community.
“PSC envisioned the noble project ostensibly to give recognition to women who championed themselves as catalyst in promoting and propagating grassroots sports in their respective communities and localities,” sabi ni Kiram.
Ang mga awtorisadong nominator ay ang Provincial, City at Municipal Government Units. Puedeng mag-nominate ang pribadong indibiduwal at grupo sa pakikipag-ugnayan sa kanilang Local Government Units.
Sinabi ni Kiram na may karapatan ang PSC na hindi tanggapin at i-disqualify ang nominee kung hindi sumunod sa GIGA rules at ang ahensiya ay may karapatan sa final decision ng judges.
“The panel of judges will thoroughly screen and scrutinize to make sure the awardees rightfully deserve the awards,” sabi ni Kiram.
Si Kiram din ang chairperson ng weekly ‘Rise Up, Shape’ at Children Games ng PSC.
Noong nakaraang taon ay walong babaeng sports leaders mula sa Rizal, Iloilo, Aklan, Isabela, Pangasinan, Davao, Albay at Cavite ang ginawaran ng Gintong Gawad award bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel na ginampanan sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng sports sa kanllang komunidad. CLYDE MARIANO