MALAYA nang makabibiyahe palabas at papasok ng Filipinas ang mga Pinoy sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ay matapos na bawiin ng pamahalaan ang restriksyon sa non-essential travels ng mga Filipino sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Presidential spokesman Atty. Harry Roque, ito ay batay na rin sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID).
Gayunman, inilatag naman ni Roque ang kondisyon na itinakda ng IATF para sa mga non-essential travel, kabilang dito ang pagsusumite ng kumpirmadong roundtrip tickets para sa mga tourist visa holders, at kailangan din na mayroong sapat na travel health insurance.
Dapat din na walang travel ban laban sa mga Filipino sa destinasyon nitong bansa, at dapat din na kilalanin ng lahat ng bibiyahe na mayroon pa ring banta ng COVID-19.
Para naman sa mga Filipino na babalik ng bansa, dapat na mahigpit na masunod ang COVID-19 guidelines pati na ang pagsailalim sa PCR testing at quarantine period. DWIZ882
Comments are closed.