KILALA ang Filipinas na pangalawa sa pinakamalaking producer ng coconut sa buong mundo at dumaan na sa 15 taon ng transpormasyon—mula sa coconut oil bilang pangunahing produkto na pang-export, nagkaroon ng paggalaw para sa multi-product industry na non-traditional coconut products na ngayon ay nagkakaroon ng popularidad dahil sa patuloy na pagtuon sa health and wellness.
Sa isang pahayag kamakailan, binanggit ng University of Asia & the Pacific (UA&P) na ang transpormasyon ay impluwensiya ng supply and demand factors.
Sa kanilang industry report na “The Coconut Industry: Local and Global Perspectives”, sinabi ng think-tank na habang ang ne-gosyo ay nadominahan ng tradisyunal na coconut oil at copra, ang bahagi ng mga produktong ito sa bansa sa total coconut exports ay bumaba ng 10 porsiyento.
Pero napansin ng UA&P na ang bahagi ng non-traditional exports, sakop ang coconut water, milk, milk powder at cream ay tumaas dala ng lumalaking global consumer preference para sa organic and healthy products, na ang pangunahing sangkap ay co-conut water.
Ang coconut water o buko juice ay isa sa pinakamabilis at lumalagong inumin sa pandaigdigang merkado. Ang export nito ay lumago sa 154 porsiyento kada taon sa volume at 159 porsiyento kada taon sa value sa nakaraang 10 taon.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nagkaroon ng total na 63 milyong litro ng coconut water na nagka-kahalaga ng USD89 milyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo, na ang United States ang kanilang pinakamalaking merkado.
Ang Vita Coco, ang global leader sa coconut water na may 26 porsiyento sa global market, ay may market volume na 120 mi-lyong litro kada taon na sinusuplayan ng siyam na manufacturers kasama ang Philippine companies, Axelum Resources Corporation and Century Pacific Agricultural Ventures.
Target ng Vita Coco ang 150 milyong litro sa 2019.
Sinabi ng UA&P na malaki at malawak ang export possibilities ng coconut water. Ayon sa market research company na Technavio, nakikitang lalago ang global coconut water market mula sa 536.9 milyong litro noong 2016 hanggang 1,331.2 milyong litro sa 2021, na may annual compounded growth rate na 26.75 porsiyento.
Maliban sa coconut water, ang iba pang non-traditional products ay naghahandog din ng bagong export opportunities. Halimbawa ang coconut milk, ito ngayon ay naging alternative coffee creamer sa United States. Ang gluten and dairy-free coconut milk ay lumalago at tanggap bilang pamalit sa cow’s milk para sa mga konsyumer na lactose-intolerant. Isang kompanyang lokal na Axelum ang nagpapakete at nagbebenta ng produkto sa United States.
Lumalago na rin ang coconut milk powder exports ng 38 porsiyento kada taon sa volume at 60 porsiyento kada taon sa value sa Netherlands, Japan, United States, France, at Australia bilang kanilang pangunahing merkado.
And demand sa global virgin coconut oil (VCO) ay nakikitang aabot sa USD780 milyon pagdating ng 2025, ito ay ayon sa Au-gust 2018 Professional Survey Report base sa compound annual growth rate (CAGR) na 2.3 porsiyento mula 2018-2025. Tinata-yang ang export mula sa Filipinas ay malamang na umabot na sa 193,000 tonelada noong 2018.
Sa kabilang banda, ang desiccated coconut, na pangunahing agricultural export ng bansa, ay patuloy sa paglago at nakikitang tataas sa 8.6 porsiyento kada taon mula 2019-2023.
Noong 2018, umabot ang export sa 145,100 tonelada na may halagang USD338.4 milyon sa parehong taon, na ang United States, Netherlands, Australia, United Kingdom, at Canada ang pangunahing pinadadalhan.
Nakararanas ang Axelum, isang major exporter ng desiccated coconut, ng mataas na double-digit growth na 28 porsiyento kada taon ng export values. Nakakukuha pa ito ng mas malaking market share mula sa ibang players at may pakinabang pa na magka-roon ng operasyon sa United States.
Ayon sa UA&P, ang susi ng trends na magdadala sa industriya ay ang health and wellness concerns; na nadaragdagan ang pagkahilig at premium sa organic products; ang pangangailangan ng certifications at audits mula sa iba’t ibang certifying bodies lalo na sa malalaking merkado tulad ng United States at European Union na makikita sa farm and production practices; at ang patuloy na pag-aalala sa kalikasan, lalo na ang kampanya para sa plastic waste-free world.
Kinokonsidera ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang coconut industry ng bansa bilang export-oriented sector, na kinukuha ng international market ang mahigit na kalahati ng total production nito at iba pang value-added coconut products.
Habang ang Filipinas ay pangalawa sa pinakamalaking coconut producing country, ito ang pinaka-malaking exporter ng coconut products na may total value na USD2.3 billion noong 2017. PNA