ni CRIS GALIT
NAKATUTUWANG isipin na sa kabila nang hindi kaaya-ayang amoy at hitsura ng Noni fruit (apatot), marami namang benepisyo ang naibibigay nito sa ating mga kababayan tulad na lamang ng pagiging medicinal nito at higit sa lahat, nakapagbibigay din ng hanapbuhay.
Sa ating pakikipagkuwentuhan kay Dr. Tito E. Contado, Founder/CEO ng Philippine Morinda Citrifolia, Inc. (PMCI), isa lang ang napansin ko: ang pagmamahal niya sa ating mga kababayan.
Mula sa kaniyang retirement bilang professor sa UP Los Baños (UPLB) at sa Food and Agriculture Organization sa Roma, nagbalik sa Filipinas si Dr. Contado para makapagbigay ng kaalaman sa ating mga kababayan hinggil sa entrepreneurship – isa ito sa kaniyang paraan na makatulong sa ating bansa dahil batid niya ang mga entrepreneurs ang sandigan ng maunlad na ekonomiya.
“Bumalik ako para makatulong sa bansa at isa na rito ang maging interesado ang Filipino sa entrepreneurship,” ayon sa pahayag ni Dr. Contado.
Dala ng maraming research at pagpapatotoo tungkol sa magandang benepisyo ng Noni fruit sa kalusugan mula sa mga pasyente, doktor at scientist mula sa western countries at dito mismo sa ating bansa kung kaya’t naitatag niya ang Philippine Morinda Citrifolia, Inc. noong 2001 na ang pangunahing produkto ay PhilNONI o extracted juice mula sa noni fruit at dumaan sa masusi at metikulusong proseso at mas pinabisa pa dahil sa sangkap na stevia.
Marami rin ang natulungang pasyente na may cancer, sakit sa puso at pinalalakas ang immune system ng ating katawan na siyang mabisang panlaban sa Covid-19.
Sa pagkakatatag ng PMCI, marami ang nabigyan ng hanapbuhay. Mula sa mga coastline areas na karaniwang tumutubo ang mga Noni tree, binibili niya sa mga residente dito ang Noni fruit sa resonableng halaga basta maganda ang kalidad nito.
Benepisyo ng PhilNONI sa kalusugan
Mula sa https://www.healthline.com/nutrition/noni-juice, karaniwan na itong ginagamit ng mga Polynesian bilang traditional folk medicine sa mahigit na dalawang libong taon. Malimit nila itong gamitin para panggamot sa constipation, impeksyon, pain, at arthritis.
Sa kasalukuyan, karaniwan na itong ginagamit bilang juice blend dahil nagtataglay ito ng potent antioxidants na nakapagbibigay ng maraming benepisyo sa kalusugan at higit sa lahat, safe gamitin, ayon pa sa Healthline article.
Dagdag pa sa artikulo ng Healthline.com, nagtataglay umano ang Noni ng powerful antioxidants. Ang antioxidants na ito ang nakapipigil ng cellular damage sanhi ng molecules na tinatawag na free radicals.
Kailangan umano ng katawan natin ng balanseng antioxidants at free radicals para mapanatili ang pinakamainam na kalusugan.
Payo naman ni Dr. Contado kung ikaw ay mayroon nang maintenance, 30ml sa isang araw ang pag-inom ng PHilNONI; sa mga diabetic naman, dalawang 30ml sa isang araw ang pag-inom ng PhilNONI.
Ang Noni, tulad ng ibang medicinal plants, dapat iwasan din muna ng mga buntis at dumaan sa operasyon ng kidney transplant.