NONI JUICE, IMMUNE SYSTEM BOOSTER

SA maraming pag-aaral, napatunayang dati nang ginagamit ang noni juice bilang tradisyonal na medisina laban sa sipon, trangkaso, pagkabalisa, high blood pressure o kahit ang malalalang sakit tulad ng cancer at marami pang iba partikular ng mga nasa lugar tulad ng Hawaii, Samoa at Haiti dahil karaniwang tumutubo ang Noni tree sa mga tropical at coastal areas.

Ang PhilNONI Juice, na gawa ng Philippine Morinda Citrifolia, Inc. (PMCI), ay marami nang natulungan para mapalakas ang kanilang immune system at mapagaling ang kanilang karamdaman.

Narito ang ilan sa mga nagpatunay na maganda ang naging epekto sa kanilang katawan mula nang uminom sila ng PhilNONI Juice:

Roda Sederiosa,
45 taong gulang

Na-diagnose na mayroong staged 3 colon cancer si Ginang Roda Sederiosa. Sumailalim siya sa chemotherapy nang halos isang taon.

“Sobrang hirap po ng pinagdaanan ko during chemo days. Nanghihina po yung katawan ko dahil sa gamot na tini-take ko. May ipinakilala po sa akin ang pinsan ko na isang food supplement na pwedeng makatulong sa sakit ko – ito nga po yung PhilNONI Juice. Simula po noong uminom ako nito, nakaramdaman ako ng kaginhawaan sa katawan ko. Dito rin po bumaba yung cancer cells ko na dating nasa hundreds pero ngayon, nasa normal na bilang na po siya. Nagpapasalamat po ako sa Panginoon, pangalawa ko sa PhilNONI na napalakas ang immune system ko during my chemo days,” ani Ginang Roda.

Caring Soliman,
70 years old

Kuwento naman ni lola Caring, bago pa ang Covid-19 pandemic, madalas silang mag-asawa na ma-confine sa ospital dahil sa pneumonia at high blood pressure. Naging mas mahirap pa ito sa kanilang nang magkaroon ng pandemya.

“Bago po ang pandemic, ang buhay po naming mag-asawa ay palitan kami na nakoconfine sa ospital dahil sa sakit na pneumonia at high blood pero nitong covid-19 pandemic, mahirap na sa amin. Kaya nung may nag introduce sa amin ng philnoni na subukan. Para mapalakas ang aming resistensya, ito ang aming ginagawa, umiinom kami ng PhilNONI. Inaanyayahan namin kayo na subukan din ito,” sabi ni Lola Caring.

Ernesto David,
mechanical
engineer

Mula naman kay Ginoong Ernesto David, isang mechanical engineer, malaki umano ang tulong na naibigay ng PhilNONI sa kaniyang sakit na tuberculosis (TB).

“Napakalaki po ng naitulong sa akin ng PhilNONI dahil ako ay nagkaroon ng karamdaman na TB. Nung matuklasan ko po ang PhilNONI, malaking tulong ang naibigay nito sa aking katawan. Lumakas po ang aking katawan. Kapag nakainom po ako ng PhilNONI sa umaga, hindi po ako nagugutom at masigla po ang aking katawan. Malaking tulong po ito sa aking karamdaman,” patunay ni Ginoong David.