NONIE AT SHAMAINE BUENCAMINO GUSTONG ITULOY ANG ADBOKASIYA NG ANAK

PARA sa showbiz couple at multi-awarded actors na sina Nonie Buencamino atThe point Shamaine Centenera-Buencamino, naging wake-up call sa kanila ang trahedyang sinapit ng kanilang bunsong si Julia.

Maalaala kasing taong 2015 nang mag-suicide ang kanilang anak na hindi na alam ay dumaranas ng ma­tinding depresyon at karam­daman sa pag-iisip.

“We did not know that she was battling with depression, then. Akala namin, okey siya. We’re not even informed as her parents sa kundisyon niya. It was not easy. Actually, iyong acceptance, hindi naging madali para sa pamilya,” paliwanag ni Shamaine.

Ngayon daw, naging mas close raw sila sa kanilang mga anak pagkatapos nang nangyari.

“It was indeed a wake-up call for us. As parents, hindi mo naman gugustuhing mangyari iyon sa mga anak mo. It just goes to show that depression is real and no one is exempt once na tumama siya sa  iyo. People suffering from a mental condition or illness should not be ignored dahil kailangan nila ng support system na dapat unang ibinibigay ng kanilang pamilya,” paliwanag niya.

Sa ngayon, abala ang mag-asawa sa kanilang adbokasiya na Julia Buencamino Bench Project na nagsusulong ng mental health.

Mula kasi nang magpatiwakal ang kanilang bunso na si Julia, naging boses na sila ng nasabing proyekto.

“Layunin ng proyekto na magtayo ng isang komunidad kung saan ang mga kabataang may mental health issues kasama na iyong dumaraan sa depresyon ay malayang maipahayag ang kanilang pinagdadaanan o karamdaman na walang panghuhusga o kinatatakutan,” pahayag ni Shamaine.

Kapag may libreng oras, pumupunta sila ng kabiyak sa mga eskuwelahan, mga kompanya at iba’t ibang civic organization para magsalita tungkol sa kahalagahan ng malusog na pag-iisip.

“Gusto na­ming mag-reach out sa mga magulang at mga anak, lalo na iyong dumaraan sa matinding kalungkutan o depresyon na hindi masama ang humingi ng tulong at pag-usapan ang kanilang nararamdaman,” aniya.

“We want to build a community that gives support to these kids by making them feel accepted even if they are broken … na hindi dapat nila si-nasarili ang kanilang problema o mental condition and also to give them the assurance na tanggap natin sila at it’s not something na dapat nilang ikahiya,” dugtong niya.

Balik sa pagbibida si Shamaine sa pelikulang “Sunshine Family” kasama ang kanyang mister na si Nonie.

“Nagkasama na kami sa plays sa teatro, pero, this is the first time na gumawa kami ng movie together na shot in Korea  and we got the chance to be directed by acclaimed Korean director Kim Tai Sik,” tsika niya.

So far, hindi raw naman gaanong nahirapan ang mag-asawa na maki­pagtrabaho sa isang Korean director at sa kanyang foreign crew.

“At first, I thought mahirap,” ani Shamaine.

“Akala ko, mahihirapan kaming magkaintindihan, pero nag-enjoy kami. We have an interpreter and our director understands English naman, so hindi naging problema ang difference in language and culture. Director Kim really took care to build a relationship with us. He’s very accommodat-ing and is always asking us during important scenes as to how we would react as Filipinos. He has a storyboard, very organized and professional. Inalagaan kami ng husto at na-amaze kami sa pagiging professional at organized nila,” pagwawakas niya.

Ang “Sunshine Family” na base sa 1991 Japanese movie na  “Hit and Run Family” ay tungkol sa isang dysfunctional family na naninirahan sa Korea na nahaharap sa matinding pagsubok nang ang kanilang padre de pamilya ay nasangkot sa hit-and run.

Bukod kay Nonie, tampok din dito sina Sue Ramirez at Marco Masa na gumaganap bilang mga anak nila.

Kasama rin sa cast ang Korean pop star na si Shinwoo ng boy group na Blanc 7 na lumalabas bilang love interest ni Sue.

Ang “Sunshine Family ay produksyon ng Spring Films at sa pakikipagtulu­ngan ng Korean film company na Film Line Pictures.

PINOY FILMS BIBIDA SA CANNES

SA prestihiyosong Cannes filmfest ngayong Mayo, bibida ang mga Pinoy films.

Kasama sa Director’s Fortnight ang pelikulang “Ang Hupa” (The Halt) ni Lav Diaz na magkakaroon ng premiere sa nasabing A-list filmfest.

Ang futuristic film na ito ni Lav Diaz ay nagtatampok kina Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Joel Lamangan, Hazel Orencio, Pinky Amador, Joel Saracho, Mara Lopez, Adrienne Vergara, Ely Buendia, Bart Guingona, Susan Africa at marami pang iba.

Tampok naman sa Critics’ Night (Semaine de la Critique Cannes) ang “The Manila Lovers” na pinagbibidahan ng Urian award winning actress na si Angeli Bayani at  Øyvind Brandtzæg.

Ang short film na ito ay idinirehe ng Norwegian filmmaker na si Johanna Pyykko.

Sa Short film corner (Market Screening) ay ipalalabas din ang Ophelia ni Celina Mae Medina tungkol sa isang depressed college student na nanga­ngailangan ng psychiatric help.

Comments are closed.