INIANUNSIYO ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagbabadyang tumaas ng hanggang piso ang presyo ng ilang brand ng bilihin
Bago mag-Setyembre 25, maglalabas ang DTI ng listahan ng bagong suggested retail price (SRP), kung saan may pagtaas sa presyo ng ilang brand ng sardinas, gatas, kape at instant noodles.
Nanindigan ang DTI na hindi pangingikil sa manufacturers ang pagpataw ng SRP.
“‘Pag isinumite nila sa atin ‘yong kanilang presyo, kasama na ‘yung profit margin nila roon e. So ano ang sinisikil ng DTI? Bina-validate lang naman natin kung tama ang sinasabi nila,” ani Trade Undersecretary Ruth Castelo.
Ipinaliwanag din ni Castelo kung bakit mas mahal ang presyo ng bilihin sa convenience store kompara sa mga supermarket.
“Because of the conveniences it provides. Siyempre ‘yong 24/7 operations nila, ang kanilang night differential sa labor (ang dahilan),” ani Castelo.
Puwede namang pag-aralan ang pagpataw ng SRP sa mga convenience store, ayon kay Castelo.
Kasunod ito ng reklamo ni Sen. Imee Marcos sa umano ay sobrang mahal na presyo ng mga bilihin sa convenience store.
Ang brand ng sardinas, halimbawa, ay P27 kada lata sa convenience store samantalang nasa P17.60 ito sa regular na supermarket.
Comments are closed.