NAGTALA ang China Banking Corp. ng record high growth na 24 percent noong 2019.
Sa disclosure sa Philippine Stock Exchange, sinabi ng bangko na ang kanilang net income ay nasa P10.1 billion, mas mataas ng 24 percent kumpara noong 2018.
“The double-digit growth was driven by the sustained robust growth of its core businesses,” sabi ng China Bank.
“This translated to an improved return on equity of 11.04% and a return on assets of 1.10%,” dagdag pa nito.
Ang net interest income ng bangko ay tumaas ng 14 percent sa P26.1 billion, habang ang fee-based income ay sumirit ng 49 percent sa P8.4 billion sa likod ng service charges, fees and commissions, gayundin ng trading at securities gains.
Lumaki naman ang gross loans ng 13 percent sa P578 billion, habang ang consumer loans, na bumubuo sa halos 1/5 ng total loan portfolio ng bangko ay lumago ng 23 percent sa P107 billion.
Umangat naman ang total deposits ng 7% sa P775 billion.
Comments are closed.