(Noong 2020 at 2021 dahil sa pandemya) P1.715-T KITA SA BUWIS NAWALA SA PH

DOF-2

DAAN-DAAN bilyong pisong kita sa buwis ang nawala sa Pilipinas sa dalawang magkasunod na taon dahil sa COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa isang statement, sinabi ng DOF na sa pagtaya ng kanilang Domestic Finance Group (DFG), ang tax revenue losses dahil sa pandemya ay nasa P785.6 billion noong 2020 at P929.9 billion noong 2021.

Gayunman, sinabi ng ahensiya na ang emerging revenue effort ay nasa 15.6% sa loob ng limang taon magmula nang manungkulan ang Duterte administration noong 2016 -ang pinakamataas sa loob ng dalawang dekada.

Kung walang pandemya, ang revenue effort ng Duterte administration mula 2017 hanggang 2021 ay maaaring umabot sa tinatayang 16.2%.

“Revenue effort pertains to the share of tax revenues, non-tax revenues, and other revenues of government agencies to the gross domestic product (GDP),” ayon sa DOF.

Samantala, ang tax effort ay ang share ng tax collections sa  GDP.