(Noong 2021) 3.71M PINOY WALANG TRABAHO

NASA 3.71 milyong Pilipino na may edad 15 at pataas ang walang trabaho noong 2021, na nagresulta sa unemployment rate na 7.8%, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mababa ito kumpara sa 4.5 million unemployed noong isang taon na pinaka-mataas sa nakalipas na 15 taon dahil sa napakahabang COVID-19 lockdowns.

Gayunman, nananatiling mataas ang bilang ng mga walang kayod na Pinoy noong 2021 kumpara sa 2.3 milyon noong 2019 o pre-pandemic leve

Base sa 2021 preliminary annual labor market statistics ng PSA, ang unemployment rates ay 10.6% sa National Capital Region, 9.2% sa Region IV-A, 8.2% sa Region I, at 7.9% sa MIMAROPA.

Ang lahat ng ito ay mas mataas sa national figure na 7.8 percent.

Noong 2021, ang Olongapo City ang may pinakamataas na unemployment rate sa 14.4%, na bumubuo sa 14.67 thousand unemployed persons mula sa 101.88 thousand persons sa labor force, habang ang jobless rate sa Camarines Norte ang pangalawa sa pinakamataas sa 14.1%.

“Compared to 2020 provincial unemployment estimates, there were no provinces or Highly Urbanized Cities (HUCs) with an unemployment rate greater than 16.0 percent in 2021. Further, only Olongapo City and Camarines Norte had unemployment rates from 13.0 percent to 15.99 percent,” ayon sa datos ng PSA.

Sinabi pa ng PSA na  47.70 million o 63.3% ng mga Pinoy na may edad 15 at pataas ang aktibong naghanap ng trabaho noong nakaraang taon, kung saan ang Bukidnon ang nagtala ng pinakamataas na labor force participation (LFPR) rate sa 78.3% sa hanay ng mga lalawigan at HUCs.

Sa mga rehiyon, ang  Region X ang may pinakamataas na LFPR na may 69.8%, sumusunod ang Region XIII na may 67.8%, at Region III na may  59%.

Samantala, iniulat ng PSA na ang 92.2% employment rate noong nakaraang taon ay isinalin sa 43.9 mula sa 47.70 milyong Pilipinong may trabaho.

Ang Surigao del Sur ang nagtala ng pinakamataas na employment rate sa 97.7%.

“Comparing the distribution of the provincial employment rates in 2020 and 2021, more provinces (17 out of 117 provinces and HUCs) recorded employment rates greater than 96.0 percent in 2021 compared to 7.7 percent or 9 out 117 provinces and HUCs in 2020. It is worth mentioning that no province in 2021 obtained employment rates lower than 84.0 percent,” ayon sa PSA.

Ang iba pang mga rehiyon na nagtala ng employment rates na mas mababa sa  national estimate ay ang Zamboanga Peninsula (96%); MIMAROPA (92.1%); Region I (91.8%); Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (90.8%), Region IV-A (89.4%); at  NCR (89.4%).