(Noong 2023) BIR COLLECTIONS TUMAAS NG 8%

TUMAAS ang tax collections ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 8 percent noong nakaraang taon.

Sa sidelines ng National Tax Campaign Kick-off sa Philippine International Convention Center noong Huwebes, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang koleksiyon noong nakaraang taon ay umabot sa P2.53 trillion, mas mataas sa 2022 collection na P2.34 trillion.

Gayunman, ang halaga ay mas mababa sa P2.64 trillion collection target ng BIR para sa 2023.

Ayon kay Lumagui, ito ay dahil sa mga pagbabago sa value-added tax (VAT) compliance.

Malaki laki ‘yan kasi previously in 2022 monthly ‘yung VAT payment. So isang quarter na VAT ‘yung hindi pumasok for 2023,” sabi ni Lumagui.

Aniya, ang VAT payment para sa fourth quarter ng 2023 ay nakolekta lamang noong nakaraang buwan.

Sa kabila nito, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na ‘goob job’ pa rin ang BIR.

One of the reasons for that would be that the last quarter for VAT was paid in 2024. So that’s one of the reasons,” ani Recto.

But essentially I think they did a good job. I think the bigger challenge will be for 2024, because the revenue targets are high as well,” dagdag pa niya.

Para ngayong taon, ang BIR ay inatasang mangolekta ng P3.05 trillion.

Sinabi ni Lumagui na umaasa sila sa mga programa ng BIR para makamit ang collection target.

For this year, we have a lot of programs like withholding tax on online sellers and digital payment transactions. We will also continue our efforts [like] the run after fake transactions and tax evaders,” aniya.                                       

(PNA)