MAHIGIT P3 billion ang nawala sa kaban ng bayan dahil sa agricultural smuggling noong 2023, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa paglagda bilang batas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Binigyang-diin niya na ang economic sabotage sa agricultural sector ay ”not simply a tale of dubious deals and inflated profits; it manifests as well as hunger, desperation, as betrayal.”
“Let us then acknowledge the gravity of the situation: These crimes threaten not only our economy but our national security as well. It jeopardizes the livelihood of hardworking Filipino farmers and fisherfolk and it threatens the food sustainability of our communities,” sabi pa ni Marcos.
”In 2023 alone, we lost over three billion pesos to agricultural smuggling — staggering amount,” dagdag pa niya.
Sinabi pa ni Marcos na sa loob lamang ng wala pang siyam na buwan ng 2024, ang mga awtoridad ay nakakumpiska na ng mahigit P230 million na halaga ng smuggled agricultural products.
Aniya, sa ilalim ng bagong batas, ang smuggling, hoarding, profiteering, at cartel operations na kinasasangkutan ng agricultural at fishery products ay ikaklasipika na ngayon bilang economic sabotage, isang non-bailable offense na may parusang habambuhay na pagkabilanggo at multa na hanggang limang beses ng halaga ng sangkot na goods.
Dagdag pa niya, hindi lamang ang mga mastermind ang target ng batas, kundi maging ang lahat ng kasabwat, kabilang ang financiers, brokers, empleyado, at maging ang transporters.