(Noong 2023) PAGLAGO NG AGRI SECTOR BUMILIS

BUMILIS ang paglago ng agriculture sector ng bansa sa 1.2 percent noong 2023, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

We are pleased that agriculture has contributed positively to growth of the economy last year. But certainly, we could do more,” wika ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr.

Sinabi ni Tiu-Laurel na ang paglago ay sa likod ng mas mataas na  poultry at livestock production, mas maraming ani ng mga prutas at record rice output noong nakaraang taon.

Ayon sa PSA, ang agriculture sector ay lumago ng 0.6 percent noong 2022.

Hanggang November 2023, ang agriculture ay nakapag-employ ng 25 percent ng 49.7 million Filipinos sa labor force.

Nag-ambag din ito ng 9 percent sa gross domestic product (GDP) noong nakaraang taon.

Nauna rito ay nagtala ang Department of Agriculture (DA) ng pinakamataas na rice harvest sa 20.06 million metric tons noong 2023.

Ani Tiu-Laurel, nakatulong ito upang bawasan ang rice imports sa 3.5 million metric tons mula 3.8 million metric tons noong 2022 at mapalaki ang kita ng mga magsasaka.

Ang Rice Competitiveness Enhancement Fund ng Rice Tariffication Law na nagkaloob ng  financial at iba pang assistance sa mga magsasaka ay isa sa mga salik na nakatulong sa pagtaas ng rice output.

Kaugnay ng layunin ng DA na i-modernisa ang agrikultura, mapataas ang produksiyon ng pagkain, matiyak ang food security, at mapalaki ang kita ng mga magsasaka at mangingisda, sinabi ni Tiu-Laurel na dadagdagan ng DA ang paggasta sa  farm inputs, post-harvest and storage facilities, at magtatayo ng mas maraming irrigation systems.

Certainly, agriculture is a low-hanging fruit for the economy where we could do more by providing the right inputs, mechanizing farm activities, adopting new technologies to raise yields and lower costs, effectively putting more money in the pockets of farmers and fisherfolk,” ayon pa sa DA chief.

(PNA)