(Noong 2024) RICE IMPORTS RECORD HIGH SA 4.68 MMT

UMANGKAT ang Pilipinas ng P4.68 million metric tons ng bigas noong 2024, na isang record high, ayon sa datos mula sa Bureau of Plant Industry (BPI) ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa na ang biglang pagtaas sa rice imports ay dahil sa ilang salik.

“Una mababa ‘yung lokal na production. Nagkaroon ng mababang taripa isang factor din ‘yun.

Pangalawa dahil mababa na ‘yung taripa tapos mahigpit, matindi ‘yung mga aksiyon natin sa smuggling. Nawala ang insentibo para mag-smuggle pa ng bigas sa ating bansa,” sabi ni De Mesa.

Sa kabila ng pagbaha ng imported na bigas, minaliit ni De Mesa ang epekto nito sa local market, at sinabing ang imports ay mahalaga para mapunan ang kakulangan sa local production.

“Makikita natin bagama’t tumaas ‘yung importasyon nung 2024 malaki naman ‘yung binaba ng lokal na produksiyon. From last year na 2023 nag-20.06, bumaba siya ng 19.3 million metric tons.

So very significant ‘yung reduction and ‘yung import of course compensated dun sa losses natin,” aniya.

naman ang DA na makababawi ang local rice production ngayong taon dahil wala nang El Niño.

“Ang projection, we will go back sa 20 million metric tons level ng local rice production,” ani De Mesa.

Noong 2023, ang Pilipinas ay umangkat ng 3.6 million MT ng bigas. Ang bansa ay dating nagtala ng record high na 3.83 million MT noong 2022.

Hinggil naman sa suggested retail price (SRP) para sa bigas, sinabi ni De Mesa na ang kasalukuyang initial estimate para sa 5 percent broken rice ay P60 kada kilo. Gayunman, nagpahiwatig siya ng posibleng pagbaba dahil sa fluctuations sa international market prices at exchange rates.

Para sa 25 percent broken rice, ang presyo ay inaasahang mananatili na mababa sa P50/kilo, o P46 hanggang P47/kilo.