(Noong 2024) WORLD FOOD PRICES BUMABA

PARIS, France – Bumaba ang world food commodity prices ng 2.1 percent noong 2024, ayon sa FAO.

Gayunman, nananatili itong mas mataas kumpara noong bago mag-Covid-19 pandemic.

Ang overall Food Price Index ng UN Food and Agriculture Organization ay may average na 122.0 points — mas mababa ng 2.6 points o 2.1 percent sa average value noong 2023.

Gayunman, ang presyo ng pagkain ay tumaas sa buong taon, kung saan ang index ay tumaas mula 117.6 points noong January sa 127.0 noong December.

Ang index ay tumaas ng 6.7 percent mula December 2023 hanggang 2024, kung saan ang meat, dairy at food oils ang nasa likod ng pagtaas.

Sinusubaybayan ng food agency ng United Nations ang monthly at global changes sa international prices ng set ng globally traded commodities.

Ang presyo ng pagkain ay nanatili ring mas mataas — tinatayang 26 percent — kaysa noong limang taon na ang nakalilipas.

Ang pagkagambala sa global trade noong Covid-19 pandemic ay paunang nagdulot ng pagbaba sa presyo ng pagkain subalit kalaunan ay tumaas sa gitna ng pagbilis ng inflation sa pagbawi ng global economy.

Ang pagbaba sa average value para sa index sa pagitan ng 2023 at 2024 ay dahil sa pagbulusok ng presyo ng cereals at asukal.

Ang cereals ay bumaba sa 13.3 kumpara noong 2023 at ang sugar price index ng FAO ay bumaba sa 13.2 percent.

Ang mga pagbaba ay bahagyang na-offset ng 9.4-percent rise sa vegetable oil price index.