(Noong Abril) $351.87-M ‘HOT MONEY’ LUMABAS NG PH

FOREIGN INVESTMENTS-3

UMABOT sa $351.87 million na foreign investments na nakarehistro sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) o ‘hot money’ ang lumabas ng bansa noong Abril.

Mas malaki ito sa $70.26-million net outflows noong Marso at kabaligtaran ng $1.407-billion net inflows na naitala noong April 2022.

Bumaba naman ang gross inflows para sa buwan sa $712.83 million mula $1.255 billion noong Marso at $2.230 billion noong April 2022, kung saan mayorya o 57.3% ay napunta sa securities na nakalista sa Philippine Stock Exchange (PSE).

Ang nalalabing 42.7% ay napunta sa peso government securities, habang walang 1% ang inilagak sa iba pang mga instrumento.

Ang top investor countries para sa buwan ay United Kingdom, the United States, Singapore, Luxembourg, at Norway, na may combined share na 84.1%.

Ang gross outflows para sa buwan ay nasa $1.064 billion, mas mababa sa $1.326 billion noong Marso, ngunit mas mataas sa $823.32 million noong April 2022. Ang United States ang bumubuo sa 70.9% ng total outward remittances.

Year-to-date, ang investments ay may $680.07 million na net outflows, kabaligtaran ng $1.390-billion net inflows sa kaparehong panahon noong 2022.