NAGTALA ang Pilipinas ng $556-million na foreign direct investment (FDI) net inflows noong Abril, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Mas mababa ito ng 36.9 percent kumpara sa $881 million na nairehistro sa kaparehong buwan noong 2023.
Ayon sa BSP, ang nonresidents’ net investments in debt instruments ay bumaba ng 38.8 percent sa $407 million mula $665 million noong nakaraang taon.
Samantala, ang nonresidents’ net investments in equity capital (maliban sa reinvestment of earnings) ay bumaba ng 48.1 percent sa $68 million mula $132 million, habang ang reinvestment of earnings ay bumagsak sa $81 million mula $84 million.
Karamihan sa equity capital placements noong nasabing buwan ay nagmula sa Japan, United States, Malaysia, at Singapore. Ipinuhunan sila sa manufacturing, real estate, wholesale and retail trade, at financial and insurance industries.
Ang Pilipinas ay napag-iiwanan pagdating sa pag-akit ng foreign investments kumpara sa mga kasamahan nito sa rehiyon.
Subalit sa mga pagbabago sa investment laws sa bansa na nag-alis sa restrictions aa foreign ownership, umaasa ang pamahalaan na makaaakit ito ng mas maraming investments.