BAHAGYANG bumaba ang presyo ng bigas noong Abril, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ng PSA na nagkaroon ng bawas ang presyo ng regular well-milled, premium at special rice noong nakaraang buwan.
Mula sa P47.49 noong Marso ay bumaba sa P47.05 ang average price ng kada kilo ng regular milled rice noong nakaraang buwan.
Bumaba rin sa P50.37 ang kada kilo ng well-milled rice mula P50.86 noong Marso.
Halos piso naman ang ibinaba ng presyo ng special rice na nasa P53.83 kada kilo noong nakaraang buwan.
Bumaba rin sa P55.31 kada kilo ang average whole price ng special rice.
Una nang tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na pagsisikapan nito na makapagbenta ng bigas na mas mababa sa P30 kada kilo ang presyo sa buwan ng Hulyo.
PAULA ANTOLIN