NAGTALA ng double-digit annual increase sa unit sales ng mga sasakyan sa bansa noong Agosto, ayon sa datos na inilabas ng local manufacturers noong Huwebes.
Sa joint report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMA), ang kabuuang new motor vehicle sales noong nakaraang buwan ay umabot sa 36,714.
Mas mataas ito ng 21.6% kumpara sa 30,185 units na nabenta sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ngunit mas mababa ng 1.0% sa 37,086 units na naipagbili noong Hulyo.
“(T)he auto industry is mindful of the challenges brought by high inflation and its effect on the overall consumer confidence particularly for big-ticket items — not a welcome news to the consumers and industry alike if it will persist,” wika ni CAMPI president Atty. Rommel Gutierrez.
Ang inflation ay bumilis sa 5.3% noong Agosto na pumutol sa anim na sunod na bu- wan ng pagbagal sa likod ng 8.1% pagtaas sa presyo ng food and non-alcoholic beverages.
Batay sa datos, ang commercial vehicles ang bumubuo sa 26,620 ng unit sales noong nakaraang buwan. Ang light commercial vehicles ay may 20,991 units; pas- senger cars, 10,094; at Asian utility vehicles (AUVs), 4,576.
May 597 units naman ng light-duty trucks at buses, 328 units ng medium-duty trucks at buses, at 128 units ng heavy-duty trucks at buses ang nabenta noong Agosto.
“(T)he 276,215 units year-to-date sales of CAMPI-TMA, up by 30% from the same period a year ago — equivalent to 70% of the 395,000 sales forecast is certainly giving optimism of a sustained and even stronger post-pandemic recovery for the auto industry,” ani Gutierrez.
Nauna nang sinabi ng mga manufacturer na kumpiyansa silang makapagtatala ng 395,000 unit sales ngayon taon na mas mataas ng 10% hang- gang 15% sa 352,596 units na nabenta noong 2022.