(Noong Disyembre) IMBAK NA BIGAS NG PH BUMABA

BUMABA ang stock ng bigas ng bansa noong Disyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang statement, sinabi ng PSA na hanggang Disyembre 1, ang rice inventory ay nasa 1.9 million. Mas mababa ito ng 25.2 percent sa 2.53 million metric tons na naitala noong Disyembre  2022.

Ang rice stocks ay bumaba sa lahat ng sektor sa bansa. Sa depositories ng National Food Authority (NFA), ang stocks ay bumaba ng 54.4 percent, habang sa household sector, ang stocks ay bumagsak ng 33.2 percent.

Nasa 8.7 percent naman ang ibinaba ng stocks sa commercial sector.

Noong nakaraang buwan, 52.1 percent ng kabuuang rice stock ng bansa ay nasa mga kabahayan, habang 44.9 percent ang nasa commercial sector, at 3 percent sa NFA depositories.

Sa pagtaya ng United States Department of Agriculture (USDA), ang Pilipinas ay aangkat ng 3.8 million metric tons ng bigas ngayong taon, na mas mataas sa 3.22 million metric tons na nakolekta noong 2023.

Samantala, umabot ang corn stocks sa bansa sa 685,890 metric tons noong Disyembre, tumaas ng 51.1 percent mula 454,030 noong Disyembre 2022.

Ang corn stocks sa commercial sector ay tumaas ng  51.4 percent, habang sa mga kabahayan ay 49.4 percent.

About 82.8 percent of this month’s total corn stocks inventory were from the commercial sector, while the remaining 17.2 percent were from the households,” ayon pa sa PSA.