(Noong Disyembre) LENDING SUMIGLA PA

BSP

LUMAKAS ang bank lending ng 4.6 percent noong Disyembre 2021, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang outstanding loans ng universal at commercial banks, net of reverse repurchase placements sa BSP, ay tumaas mula sa 4 percent level noong Nobyembre.

Sinabi ng central bank na sa month-on-month seasonally-adjusted basis, ang outstanding at commercial bank loans, net of RRPs, ay tumaas ng 0.4 percent.

“Credit activity continued to improve due to a more favorable economic outlook from businesses and households amid the sustained rollout of COVID-19 vaccines and the easing of community restrictions during the month,” paliwanag ng BSP.

Sumigla rin ang economic activities sa fourth quarter ng 2021. Ang gross domestic product (GDP) ay lumago ng 5.6 percent noong nakaraang taon, na bahagyang mas mataas sa 5 hanggang 5.5 percent target ng pamahalaan.

Pinanatili naman ng BSP ang interest rate sa record low 2 percent noong 2021 bilang suporta sa pagbangon ng ekonomiya.