(Noong Disyembre) TRANSAKSIYON SA E-PAYMENT LUMAGO

BSP

NAGLABAS ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng pinakabagong listahan ng mga bangko na may waived fees para sa InstaPay at PESONet electronic cash transfers.

Ayon kay BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan, tumaas ng two-digits o mas lumago ang mga transaksiyon sa tulong ng electronic payment sa buwan ng Disyembre noong nakaraang taon.

Magugunita na lumakas ang paggamit ng InstaPay at PESONet sa gitna ng pandemya dahil sa cashless na pagbabayad na mas pinili ng publiko para maging ligtas laban sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ay itinutulak ng BSP ang mga digital transaction sa ilalim ng digitalization roadmap 2023. DWIZ 882