(Noong Enero) BANK LENDING BUMABA

BSP-12

LUMIIT ang bank loans ng 2.4 percent noong Enero mula sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa isang statement, sinabi ng central bank na ang outstanding loans ng universal at commercial banks ay nasa P8.95 billion sa pagtatapos ng unang buwan ng taon, bumaba ng  2.4% mula sa end-January 2020, nang ang bank lending ay pumalo sa P9.17 billion.

Ang pinakabagong numero ay naitala matapos ang .7% pagbaba noong Disyembre makaraan ang mahigit 14 taong paglago.

“In general, credit activity remained soft due to weak demand as banks continued to be risk-averse on concerns over asset quality and profitability,” anang BSP.

Bumaba rin ang loans sa non-residents ng 21.6 porsiyento sa unang buwan ng taon, na may kabuuang P258.55 million sa natur-ang panahon.

Samantala, nagtala ang outstanding consumer loans ng 6.9% contraction sa nasabing buwan sa P861.42 million.

Ayon sa BSP, ito ay dahil sa pagbaba sa credit card at motor vehicle loans, gayundin ng pagbagal ng salary-based consumption lending noong Enero.

Patuloy rin sa pagbaba ang loans sa key sectors, partikular ang loans para sa trade at repair ng motor vehicles at motorcycles sa P1.06 billion, na mas mababa ng 6.9 porsiyento kumpara sa end-January 2020.

Bumaba naman ang loans sa manufacturing ng 7.4 percent sa P966.73 million, habang ang lending para sa financial at insurance activities ay bumagsak ng 6.3 percent sa P814.33 million.

Batay pa sa datos ng BSP, ang outstanding loans sa mga residente, sa kabuuan, ay bumaba ng 1.7 percent sa  P8.69 billion.

“The BSP’s accommodative monetary policy stance continues to complement critical fiscal and health interventions in supporting economic activity and market sentiment,” pahayag ng central bank.

Comments are closed.