BUMILIS ang paglago ng pautang ng universal and commercial banks (U/KBs) noong Enero, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng BSP, ang outstanding loans ng mga bangko, hindi kasama ang mga inilagay sa reverse repurchase facility ng central bank, ay lumago ng 7.8 percent mula 7.1 percent noong December 2023.
Ang outstanding loans na inisyu ng U/KBs ay nagkakahalaga ng P11.5 trillion mula P10.70 trillion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ayon sa BSP, ang outstanding loans sa residents, net of RRPs, ay tumaas ng 7.8 percent noong Enero, habang ang outstanding loans sa non-residents ay lumago ng 9.8 percent.
Loans for production activities increased by 5.9 percent in January.
Sinabi ng central bank na ang paglago ay dahil sa pagtaas sa loans sa major industries tulad ng real estate activities (11.4 percent); wholesale and retail trade, and repair of motor vehicles and motorcycles (7.4 percent); electricity, gas, steam, and airconditioning supply (7.3 percent); transportation and storage (18.2 percent); at construction (13.6 percent).
Tumaas din ang consumer loans sa mga residente ng 25.2 percent sa likod ng tuloy-tuloy na pagtaas sa credit card at motor vehicle loans, gayundin sa salary-based general purpose consumption loans.
“Looking ahead, the BSP will ensure that liquidity and bank lending conditions remain in line with its price and financial stability objectives,” sabi pa ng BSP.
Samantala, lumago ang domestic liquidity ng 6.0 percent year-on-year sa P17.0 trillion noong January 2024, bahagyang bumagal mula sa 6.2 percent expansion noong December 2023.
Ang domestic claims ay tumaas ng 9.8 percent mula 9.2 percent sa naunang buwan.