(Noong Enero) PH TRADE DEFICIT LUMIIT

PSA

LUMIIT ang trade deficit ng bansa noong Enero nang mahigitan ng exports growth ang imports sa nasabing panahon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA ay lumitaw na ang trade gap ng bansa ay nasa $3.50 billion, mas mababa ng 10.7% kumpara sa $3.92-billion deficit na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2019.

Ang mas maliit na deficit ay resulta ng exports growth na 9.7% sa $5.79 billion mula sa $5.28 billion year-on-year kumpara sa 1% increase sa imports sa $9.20 billion mula sa $9.29 billion.

“A deficit indicates that the value of a country’s imports exceeded export receipts, while a surplus indicates more export shipments than imports,” paliwanag ng PSA.

Ang mas mataas na exports growth ay dahil sa pagsipa ng export sales ng pito sa top 10 major export commodities, na kinabibilangan ibang mineral products sa 68.3%; gold sa 46.0%; electronic products sa 15.8%; cathodes and  sections of cathodes of refined copper sa 10.1%; other manufactured goods sa 7.4%; ignition wiring set at iba pang wiring sets na ginagamit sa mga sasakyan,  aircraft at ships sa 1.3%; at chemicals sa 1.2%.

Samantala, ang pagtaas sa imports ay naitala sa mineral fuels, lubricants at mga kaugnay na materials sa 20.2%; miscellaneous manufactured articles sa 11.6%;  other food and live animals sa 11.0%; iron and steel sa 7.2%;  transport equipment sa 5.0%; industrial machinery and equipment sa 2.9%; at telecommunication equipment and electrical machinery sa 1.7%.

Ang  total external trade ng bansa — ang total value ng import at export receipts — noong Enero ay nagkakahalaga ng $15.08 billion, mas mataas ng  4.1% sa $114.49 billion na naitala sa kaparehong buwan noong 2019.

Sa kabuuang external trade, $5.79 billion o 38.4% ay exported goods at $9.29 billion o 61.6% ang imported goods.

Comments are closed.