PUMALO ang utang ng Pilipinas sa P14.79 trillion noong Enero, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Mas mataas ito ng P173.91 billion kumpara sa December 2023 figures na P14.62 trillion,
Ayon sa BTr, ang pagtaas ay dahil sa net issuance ng domestic securities at ng epekto ng paghina ng piso.
Sa datos ng BTr, ang domestic borrowings ay bumubuo sa 68.71 percent ng kabuuang utang, habang 31.29 percent ang foreign borrowings.
Ang local debt ay pumalo sa P10.16 trillion sa unang buwan ng 2024, tumaas ng 1.44 percent mula sa December 2023 figures.
Samantala, ang foreign debt ay nasa P4.63 trillion, mas mataas ng 0.65 percent kumpara sa December 2023 numbers.
Ang utang ng bansa ay lumobo sa nakalipas na pitong taon dahil kailangan nitong tustusan ang big-ticket infrastructure projects at pondohan ang pandemic response.