UMABOT sa $2.762 billion ang cash remittances o ang perang ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels mula sa overseas Filipinos sa unang buwan ng taon.
Ang numero ay mas mababa sa historic $3.199 billion noong December 2022 subalit mas mataas sa $2.668 billion na naitala noong January 2022
“The expansion in cash remittances in January 2023 was due to the growth in receipts from land- and sea- based workers,” ayon sa central bank.
Ang paglago sa cash remittances para sa naturang panahon ay dahil sa pagtaas ng padala mula United States, Saudi Arabia, Japan at Singapore. Ang US ang nagposte ng pinakamataas na share sa overal remittances para sa buwan.
Samantala, pumalo sa $3.077 billion ang personal remittances — ang kabuuan ng transfers na ipinadala ng cash o in-kind via informal channels — noong Enero.
Mas mababa ito sa $3.487 billion noong Disyembre ngunit mas mataas sa $2.966 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ayon sa BSP, ang pagtaas ay sanhi ng mas mataas na remittances na ipinadala ng land-based workers na may work contracts na isang taon o higit pa, at sea- and land-based workers na may work contracts na mas mababa sa isang taon.