(Noong Enero)UTANG NG PH LUMOBO SA P13.7-T

Bureau of the Treasury

UMABOT na sa P13.7-trillion ang utang ng Pilipinas noong Enero, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Ang end-January outstanding debt ay mas mataas ng 2.1%, o P279.63 billion, kumpara sa P13.418-trillion na naitala noong December 2022.

Ayon sa Treasury, ang paglobo ng utang sa naturang buwan ay dahil sa net availment ng domestic at external debt.

Karamihan sa outstanding obligations ay nagmula sa local sources.

Ang domestic debt ay umakyat ng 1.9% sa P9.38-trillion.

Samantala, tumaas din ang loans mula sa foreign sources ng 2.4% sa P4.31-trillion. Ang paglakas ng local unit ay nagpababa rin sa peso value ng foreign currency-dominated debt ng P93.84-billion.

Bumaba naman ang guaranteed obligations ng gobyerno ng1.3% sa P393.84-billion.