UMABOT sa 4.7 million ang bilang ng mga pasahero na bumiyahe via ports sa buong bansa noong Christmas at New Year holidays, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).
Nahigitan nito ang pagtaya na 4.5 million.
Mula December 15, 2024 hanggang January 5, 2025, nasa 4,743,931 pasahero ang nagtungo sa ports para humabol sa biyahe. Mas mataas ito sa 4,366,933 biyahero na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.
Ayon sa PPA, ito rin ang pinakamalaking bilang ng mga pasahero magmula noong pandemya.
“Actually it is high…It’s more than the expected passengers, the total is 4.7 million this 2024 compared to 4.3 million last 2023 and compared to 4.5 million forecast,” pahayag ni PPA spokesperson Eunice Samonte sa GMA News Online.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng PPA na kabilang sa mga dahilan ng pagtaas sa port passengers ay ang bumubuting ekonomiya at ang pagpili ng mga tao sa sea travel bilang mode of transportation.
“As the country emerges from previous economic challenges and typhoons, increased disposable income and greater mobility have led to a higher number of travelers, particularly during the holiday season,” pahayag ng ahensiya.
“Additionally, sea travel continues to be the preferred mode of transportation for many Filipinos due to its affordability, accessibility, and the extensive network of domestic routes connecting the country’s islands.”
Mula December 2024 hanggang January 2025, lumitaw sa datos ng PPA na karamihan sa mga biyahero ay nagtungo sa Batangas na may 601,571.
Sumunod ang Bohol na may 482,694 pasahero, Negros Oriental/Siquijor na may 433,282, Davao na may 442,929, at Bicol na may 312,530 pasahero.