(Noong Hulyo) FACTORY OUTPUT BUMILIS ANG PAGLAGO

PSA-FACTORY OUTPUT

LUMAGO ang factory output sa pinakamabilis nitong hakbang sa loob ng tatlong buwan noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa preliminary results sa latest Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI) ng PSA ay lumitaw na ang factory output, na sinukat ng volume of production index (VoPI), ay bumilis sa 5.3% year on year noong Hulyo, mas mabilis sa revised 3.6% growth noong Hunyo at sa 3.6% noong nakaraang taon.

Ito rin ang pinakamabilis na paglago sa loob ng tatlong buwan magmula nang maitala ang revised 7.5% growth noong Abril.

Sa month-on-month basis, ang VoPI ng manufacturing sector ay tumaas ng 4.7%, isang turnaround mula 3.4% na pagbaba noong Hunyo.

Para sa January-July period, ang paglago ng VoPI ay may average na 2.1%, mas mababa sa 5.3% sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Bilang paghahambing, ang manufacturing purchasing managers’ index (PMI) ng bansa ng S&P Global para sa buwan ay nasa 51.2, bumagal mula 51.3 noong Hunyo.

Ang PMI reading na mas mababa sa 50 ay isang contraction sa manufacturing sector, habang ang 50 ay isang expansion.

Ayon sa PSA, ang pagbilis ng paglago ng factory output noong Hulyo ay sa likod ng computer, electronic and optical products, na tumaas ng 12.5% mula 1.9% growth noong Hunyo. Ang electronic and optical products ang bumubuo sa second-largest weight (17.6%) ng total manufacturing, matapos ng food products (18.7%).

Nag-ambag din sa pagbilis ng paglago ng factory output noong Hulyo ang production of transport equipment, na tumaas ng 0.4% mula -8.1%, at food products (tumaas ng 14% mula 11.4%).

Ang capacity utilization rate noong Hulyo ay tumaa sa 75.6%, mula 73.6% noong nakaraang taon at sa 75.3% noong Hunyo.