TUMAAS ang gross borrowings ng national government sa P188.65 billion noong Hulyo, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Base sa latest cash operations report ng BTr, ang overall borrowings ay umabot sa P188.65 billion para sa buwan, tumaas ng 42.9 percent mula P131.94 billion noong nakaraang taon. Mas mataas din ito sa P148.18 billion na naitala noong Hunyo ng kasalukuyang taon.
Year-to-date, ang gross borrowings ay naitala sa P1.76 trillion, mas mataas ng 15.5 percent kumpara sa P1.52 trillion na naiposte sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
“Domestic debt accounted for the bulk of July’s gross borrowings at P180.59 billion, 63.4-percent higher than the year-earlier P110.49 billion and P132.48 billion in April,” ayon sa BTr.
Para sa unang pitong buwan ng taon, ang domestic debt ay naitala sa P1.48 trillion, habang ang foreign borrowings ay bumaba sa P8.06 billion mula P21.44 billion noong nakaraang taon. Mas mababa rin ito sa P15.7 billion na naitala noong Hunyo 2024.
Hanggang end-July, ang foreign debt ay nasa P275.48 billion.
Malaking bahagi ng domestic borrowings, o P155 billion, ay nagmula sa fixed rate Treasury bonds, habang P25.59 billion ang nalikom mula sa Treasury bills.
Ang project loans ang bumubuo sa karamihan ng foreign borrowings para sa buwan sa P8.06 billion.