INIULAT ng S&P Global Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) na nagtala ng paglago ang Philippine factories noong nakaraang buwan.
Ang Philippine manufacturing index (PMI) noong Hulyo ay nasa 51.2, bahagyang bumaba mula 51.3 score noong Hunyo.
Hanggang ang iskor ay mas mataas sa 50, ang sektor ay itinuturing na lumagi, habang ang iskor na mas mababa sa 50 ay kinokonsiderang humina..
The improvement in the local manufacturing performance was driven by the positive demand trend, a renewed rise in hiring activities, and the muted inflationary environment.
“The second half of the year started modestly, with the Filipino manufacturing sector signaling further upticks in output and new orders,” sabi ni S&P Global Market Intelligence economist Maryam Baluch.
Sinabi ng S&P na ang demand trends ay patuloy na tumaas sa manufacturing sector, kung saan ang mga bagong order ay nagtala ng growth rate na mas mabilis sa five-month low ng Hunyo.
Samantala, ang demand mula sa overseas market ay bumaba noong nakaraang buwan.
“Though in both cases, the rates of increase were weaker than their respective long-run averages, thereby indicating relatively subdued growth across the sector,” dagdag pa ni Baluch.
Sa napananatiling pagtaas sa produksiyon, ang purchasing activities ay bumuti rin noong Hulyo.
Gayundin, ang factories ay nagtala ng paglago sa employment magmula noong Abril.
“Nonetheless, a historically muted inflationary environment, as indicated by the PMI price gauges, could open the door to policy rate cuts. Easing financial conditions should help solidify and strengthen growth in the coming months,” ani Baluch.
Samantala, nananatiling optimistiko ang manufacturing companies sa susunod na 12 buwan. ULAT MULA SA PNA