(Noong Hulyo)TRADE DEFICIT LUMOBO SA $5.93-B

PH TRADE DEFICIT

LUMAKI ang balance of trade ng bansa, o ang pagkakaiba sa pagitan ng halaga ng export at import, sa $5.93 billion noong Hulyo, ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang trade deficit ay tumaas ng 69.1 percent mula sa $5.84 billion noong Hunyo.

Sa datos ng PSA, ang export sales ay naitala sa $6.21 billion noong Hulyo, bumaba ng 4.2 percent, habang ang total imports ay umabot sa $12.14 billion, na may annual rate increase na 21.5 percent.

“The annual growth in the value of imported goods in July 2022 was mainly due to the increases in the values of nine of the top 10 major commodity groups,” ayon sa PSA. Ang mineral fuels, lubricants at mga kaugnay na materials ang pinakamabilis na lumago, sumusunod ang cereals and cereal preparation, at transport equipment.

Samantala, sa 10 major commodity groups, apat ang nagtala ng annual decrease sa halaga ng exports.

Umabot naman sa P$18.35 billion ang total external trade ng bansa para sa annual increase na 11.4 percent.