BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa 3.76 million noong Hunyo mula sa 3.73 million noong Mayo sa gitna ng mahigpit na quarantine restrictions laban sa COVID-19, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na nanatili naman ang unemployment rate sa mga residente na may edad 15 at pataas sa 7.7% sa naturang buwan, kapareho noong Mayo.
Ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal — tinatawag na National Capital Region Plus — ay isinailallm sa general community quarantine “with heightened restrictions” sa first half ng Hunyo.
Inilagay ang NCR at Bulacan sa mas maluwag na GCQ “with restrictions” sa nalabing mga araw ng buwan, habang nanatili ang Rizal, Laguna at Cavite sa ilalim ng naunang classification.
Samantala, ang ibang mga lugar ay isinailalim sa iba’t ibang quarantine levels — modified enhanced community quarantine, GCQ, at MGCQ..
Ang pinakamalaking month-on-month drops sa employment ay naitala sa accommodation and food service activities; public administration and defense, compulsory social security; transportation and storage; at financial and insurance activities.
Tumaas din ang underemployment sa nasabing buwan ng 918,000 sa 6.41 million mula sa 5.49 million. Katumbas ito ng underemployment rate na 14.2%, laban sa 12.3% noong Mayo.
Ang labor force participation rate para sa buwan ay naitala sa 65.0% o 48.84 million Filipinos na may edad 15 at pataas at employed o unemployed sa naturang panahon.
Nanatili naman ang employment rate para sa buwan sa 92.3%, katumbas ng 45.08 million, kung saan ang mga manggagawa ay may average na 39-hour work week.
Ang services sector ang may pinakamalaking share ng workforce, na may 57.6%, kasunod ang agriculture na may 24.3%, at industry na may 18.1%.
First of all, thank you for your post. bitcoincasino Your posts are neatly organized with the information I want, so there are plenty of resources to reference. I bookmark this site and will find your posts frequently in the future. Thanks again ^^
876469 519779Some genuinely good and utilitarian information on this website, as properly I believe the style has got excellent capabilities. 55464
166501 926422Some actually quality posts on this internet site , saved to favorites . 537612