(Noong Hunyo) PH TRADE DEFICIT LUMIIT SA $3.9-B

LUMIIT ang trade gap ng bansa ng 33.3 percent sa $3.9 billion noong June, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA, ang total exports ay umabot sa $6.7 billion noong June, bahagyang mas mataas kumpara sa $6.64 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Dahil dito, ang total export earnings mula January hanggang June 2023 ay nasa $34.94 billion, mas mababa ng 9.3 percent kumpara noong nakaraang taon. year ago,

Ang major export trading partners ng bansa ay ang United States, China, Hong Kong, Japan at Korea.

Samantala, umabot sa $10.62 billion ang total value ng imported goods noong June, na mas mababa kumpara sa $12.62 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Sa first half ng taon, ang total import value ay umabot sa $68.38 billion.

Ayon sa PSA, ang China ang pinakamalaking supplier ng bansa ng imported goods sa $2.38 billion, na bumubuo sa 22.4 percent ng total imports ng bansa noong June.

Ang iba pang major import partners ng Pilipinas ay ang Indonesia, Japan, Singapore at US.

Para sa buwan, ang total external trade in goods ay nagkakahalaga ng $17.32 billion. Bumaba ito ng 9.6 percent mula sa $19.17 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.