(Noong Hunyo) PH VEHICLE SALES PUMALO SA 36,311 UNITS

sasakyan

UMABOT sa 36,311 units ang kabuuang new motor vehicles sales na naitala noong Hunyo.

Sa joint report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMI), ang bilang ay mas mababa ng 4.9% kumpara sa 38,177 units na naibenta noong Mayo, ngunit mas mataas ng 27.0% kaysa 28,601 units na naipagbili noong June 2022.

“The auto industry has maintained double-digit positive growth anew by 27% in June — a reflection of improved consumer spending for big-ticket items amidst the significant market for new motor vehicle sales, the main growth anchor of the industry,” wika ni CAMPI president Atty. Rommel Gutierrez.

“Rightfully so, demand for motor vehicles that respond to the needs of the customers will yield strong gains for the industry,” dagdag pa niya.

Ang pinakamaraming units na nabenta ay sa commercial vehicles na may 27,325 units, sumunod ang light commercial vehicles (LCVs) na may 21,555 units, at passenger cars na may 8,986 units.

Sumunod ang Asian utility vehicles (AUVs) na may 4,864 units, light trucks na may 546 units, at trucks at buses, 360 units.

Dahil dito, year-to-date sales ay umabot sa 202,415 units, mas mataas ng 30.7% kumpara sa 154,874 sa kaparehong panahon noong 2022.

Ayon kay Gutierrez, ang year-to-date figure ay nagpapakita ng “strong signal of sustained optimism” bago ang o second half ng taon.

“Maintaining this level of growth on a monthly basis, the industry has indeed high hopes of achieving or even exceeding its sales target for this year,” aniya.

Naunang sinabi ng mga manufacturer na tiwala sila na maitatala ang 10% hanggang 15% na paglago ngayong taon mula sa 352,596 units na naibenta noong nakaraang taon.