(Noong Hunyo) PRESYO NG BIGAS BUMABA

BAHAGYANG bu­maba ang wholesale price ng bigas noong Hunyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa ulat ng PSA, nagkaroon ng tapyas sa presyo ng regular, well-milled at premium rice.

Nasa halos P0.40 ang ibinaba sa bentahan ng premium rice na mula P53.80 kada kilo noong Abril ay bumaba sa P53.41 kada kilo noong Hunyo.

Bumaba rin sa P50.26 kada kilo ang average wholeprice ng well milled rice habang nasa P56.52 naman ang kada kilo ng regular milled rice.

Base naman sa Bantay Presyo ng Department of Agriculture (DA), mabibili ngayon sa P45 kada kilo ang pinakamababang presyo para sa regular milled rice, P48 ang kada kilo ng well milled rice, nasa P50 kada kilo naman ang premium rice habang P57 ang kada kilo ng special rice.

Nauna nang  tiniyak ng DA na bababa na sa mga susunod na buwan ang presyo ng bigas sa merkado kasunod ng ipinatupad na EO62 o ang tapyas taripa sa imported rice.

PAULA ANTOLIN